Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Drug den sa Quezon City, ni-raid

Iprinisinta sa media ni Quezon City Police District Director Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga items na nasamsam ng kanyang mga tauhan sa  naarestong drug suspek na si Derek Framil sa isang buy bust operation sa bahay nito sa Villa Lourdez Subd., Brgy. Culiat ng lungsod. Joven Cagande

MANILA, Philippines — Matapos ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang memorandum na pormal nang nagbabalik sa Philippine National Police (PNP) sa war on drugs ng pamahalaan, isang hinihinalang drug den sa Brgy. Culiat, Quezon City, ang kaagad sinalakay kahapon ng madaling araw ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang hinihinalang drug pusher.

Sa bisa ng isang search warrant, ay sinalakay ng otoridad dakong alas-12:45 ng madaling araw ang tahanan ng isang Derek Framil, sa 12 Saint Bernadette St. sa Villa Lourdes Subdivision sa Brgy. Culiat.

Inaresto si Framil, na sinasabing kabilang sa watchlist ng QCPD dahil sa pag-iingat ng mga armas at pagkakasangkot sa aktibidad ng illegal na droga, matapos na makumpiskahan ng isang kalibre .45 pistola at isang kalibre .38 revolver, mga bala, at may 27 maliliit at medium sized na plastic sachet ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000 at sinasabing mula pa sa Pasay City.

Inamin ni Framil na gumagamit siya ng illegal na droga, pero mariin naman nitong itinatanggi na sa kanya ang mga baril at illegal na droga na nakumpiska ng mga pulis mula sa kanyang tahanan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: