Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Konektado sa mga Parojinog... 5 drug pusher tiklo sa P100-M shabu

MANILA, Philippines — Limang pinaghihinalaang big tine drug trafficker na konektado at kaanak ng mga Parojinog ang nadakip ng mga otoridad na kung saan ay nasamsam ang nasa P100 M shabu sa magkakahiwalay na  drug bust operation sa Ozamis City  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Ozamiz City Police P/Chief Ins­pector Jovie Espenido ang nasakoteng si Melden Rabanes, hinihinalang big time drug lord na pinsan ni Ozamis City Vice Mayor Princess Nova Parojinog.

Ang dalawa pa ay sina Butch Merino, dating driver ng mga Parojinog at Rosielyn Walohan at sumunod namang natimbog ang  iba pang kamag-anak ng mga Parojinog na sina Melodia Malingin at Gaudencio Malingin.

Batay sa ulat, bandang alas-9:10 ng gabi nang unang masakote si Merino sa isang checkpoint sa lungsod at nasamsam mula dito ang 8 kilo ng shabu, isang baril at isang magazine.

Ang operasyon ay isi­nagawa matapos ang isang araw matapos na bigyan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP ng go signal sa giyera kontra droga kung saan mananatiling lead agency ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isang follow-up operations bandang alas -10:00 ng gabi ay nasakote naman sina Rabanes at Walohan at nakumpiska mula sa mga ito ang apat pang balot ng malalaking plastic ng shabu na aabot sa P32 M  at cash na nagkakahalaga ng P 27 M.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May karagdagan pang sampung plastic bag ng shabu na tumi­tim­­bang ng 10 kilo na nag­kakakahalaga ng P64M ang nakumpiska kina Malingin habang sina­lakay din ang bahay ng iba pang kamag-anak ng mga Parojinog na nakunan ng karagdagan pang shabu kung saan aabot sa mahigit na P100 M ang kabuuan, pero nakatakas ang lima pang suspek na kinilalang sina Maychell Parojinog Gumapac, Manuelito Francisco, Rizalino Francisco, June Francisco, Ricardo Parojinog at Christopher Parojinog

Nakuha rin sa raid ang isang M4 Boost master, apat na M16 magazine, isang bandolier, 90 praso ng bala ng M16, 2 rifle grenade launcher, tatlong bala ng M203 at 20 piraso  cartridge ng M16 rifle, da­lawang granada at iba pa.

Si Vice Mayor Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Jr., ay kapwa nakapiit sa PNP Custodial Center kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of dangerous drugs.

Magugunita na ang kanilang amang si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at 15 iba pa kabilang ang kaniyang misis saka kapatid na Board member ay napatay sa raid ng mga otoridad sa kanilang tahanan sa Ozamis City noong Hulyo 30 ng taong ito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: