^

Police Metro

11 tiklo sa sex party drugs

Joy Cantos - Pang-masa
11 tiklo sa sex party drugs

Iniharap ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino (ikalawa mula sa kanan) sa mga mamamahayag ang 11 suspek na natimbog sa isang drug-bust sa isang hotel sa Taguig City nitong Linggo ng gabi. Boy Santos
 

Kinabibilangan ng doctor, engineer…

MANILA, Philippines — Labing-isang katao na kinabibilangan ng isang doctor at engineer ang sinampahan ng kasong kriminal ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na mahulihan ng daang libong halaga ng ecstasy, GBL at shabu sa isang buy bust operation sa isang hotel sa Taguig City noong Linggo ng gabi.

Ang mga suspek kabilang ang umano’y isang HIV positive o may sakit na AIDS ay iniharap sa mediamen nitong Lunes ng gabi ng mga opisyal ng PDEA.

Ang mga ito ay nasakote sa aktong umano’y nagse-sexual orgy cum drug session.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino  ang mga nasakoteng suspek na sina Karlo Kasala, 25, isang doctor; Jose Carlos Torres, 38, engineer; Edmond Remegio, 33, walang hanapbuhay; Malik Coronel, 33; Manuel Valdes, 34, isang insurance agent; Jake Tolentino, 33, insurance claims processor; Mario Aclan, 27, isang make-up artist; Angelo Padasas, 28, office staff; Jevel Ucero, 22, student; Legui Brylle Gonzales, 28, account manager at  Bryan Dizon 20, isang software developer.

Ayon sa opisyal, sina Remegio at Coronel ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 o drug trafficking at pag-iingat ng droga gayundin ng paglabag sa Section 26  o pag-iingat ng drug paraphernalia at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act  sa Taguig City Prosecutors Office.

Ang siyam pa ay nahaharap naman sa paglabag sa Section 15 o illegal drugs use.

Ang dalawa ay sinasabing nagsu-supply ng droga sa mga bar goers at celebrities sa Global City sa naturang lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas -10:00 ng umaga noong linggo nang maaresto ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) sa ilalim ng pamumuno ni Director Levi Ortiz sa entrapment operations sina Remigio at Coronel sa loob ng Room 209 ng Seda Hotel, Bonifacio Global City sa  Taguig City na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa iba pang suspek na kliyente ng mga ito sa droga.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang 20 tableta ng ecstasy na tumi­timbang ng 8.691 gramo na nagkakahalaga ng P40,000, dalawang transparent plastic sachets  na naglalaman naman ng metamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 0.0981 gramo na nagkakahalaga ng P 500, 12 bote ng Gamma Balyrolactone (GBL), isang uri ng illegal na droga na  nasa 530.8 ml. na nagkakahalaga ng P 300,000 na nagpapalakas ng libido sa pagtatalik at isang bote ng puting kapsula.

Ang kabuuang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga ay nasa P340, 500.

Ayon sa opisyal na isang uri ng precursor o gamma-hydroxybutric acid (DPC) na kilala bilang isang club drug o date rape drug na ginagamit ng mga kabataang lulong sa droga sa mga bars, rave parties at clubs na inihahalo sa mga inuming nakakalasing.

Nagdudulot ito ng euphoria, pagtaas ng sex drive o nakakagana sa pakikipag-sex kung saan masama ang epekto nito sa kalusugan.

Nasakote rin sina Valdes at iba pa nitong kasamahan sa aktong gumagamit ng naturang illegal na droga sa loob ng hotel room.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with