Bagong Comelec chair isasalang sa CA
MANILA, Philippines — Kahit napili at itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng Commission on Election (Comelec) si Commissioner Sheriff Abas kapalit ng nagbitiw na si dating chairman Andres Bautista ay agad ito makakaupo.
Ito ang sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez dahil kailangang dumaan pa si Abas sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments dahil ang pagkakapili dito ay hindi umano maituturing na ad interim appointment dahil ito ay ginawa habang nasa sesyon pa ang Kongreso.
Paliwanag ni Jimenez, hanggang hindi naaaprubahan ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Abas, si Commissioner Christian Robert Lim ang mananatili pa ring Acting Chairman ng Comelec.
Sa panig naman ni Abas, sinabi ni Jimenez na naghihintay na lamang umano ito na siya ay ipatawag ng Commission on Appointments.
Matatandaang si Bautista na nasangkot sa kontrobersiya dahil sa isyu ng umano’y tagong-yaman ay bumaba sa pwesto noong Oktubre 23, 2017.
- Latest