^

Police Metro

Tandem Attack: 3 todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-asawa nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem criminals sa Caloocan at Valenzuela City.

Nasawi noon din ang mag-asawang Justin Ba­ngay, 45; at Margarita Bangay, 32, kapwa naninirahan sa Phase 7A, Package 10, Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw ay sakay ang mag-asawa ng kanilang motorsiklo pauwi sa  bahay mula sa pamamalengke ng paninda nang harangin sila ng mga salarin sa may Phase 7 at agad na pinagbabaril.

Sa Valenzuela City, patay din ang biktimang si Jose Chavez, nasa hustong gulang, residente ng Santos Compound Bukid, Malinta, negosyante nang pagbabarilin ng dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng alas-10:00 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang angkas ang kanyang live-in partner na si Cristine Lamayo nang harangin sila ng isa pang motorsiklo sa may Miranda Compound Bukid.

Hinablot ng isa sa mga salarin ang dalang bag ng biktima ngunit tumanggi si Chavez na bitiwan ito at makipag-agawan.

Dito na siya pinagbabaril hanggang sa tuluyang natangay ang bag at tumakas. Hindi naman ginalaw ng mga salarin si Lamayo.

Nabatid na may negosyo sa pautang na “five-six” ang biktima na halos araw-araw niyang sinisingil sa mga kliyente habang may pinatatakbo rin na “off-track betting station”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with