^

Police Metro

DOLE nagpaalala sa pay rules sa Bonifacio Day

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa tamang pa­sweldo ng mga pribadong employer sa Nobyembre 30 o Bonifacio Day ay nagpaalala  ang Department of Labor na kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 100% ng kanyang sahod para sa nasabing araw o [(Daily rate + COLA)] x 100%].

Kung siya naman ay nagtrabaho sa nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 200% ng kanyang regular salary para sa unang walong oras ng kanyang pasok o Daily rate + COLA x 200%.

Kung mag-o-overtime naman o lampas sa walong oras ang kanyang trabaho, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate ng basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked.

Kung magtatrabaho naman ang empleyado sa regular holiday, na natapat sa kanyang rest day o day off ay dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang daily rate na 200%  o daily rate + COLA x 200% + 30% (Daily rate x 200%.

Sakali namang nais niyang mag-overtime sa nasabing regular holiday na natapat sa kanyang araw ng pahinga, dapat pa siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa nasabing araw o hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x 130% number of hours worked.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with