DU30 magbibitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Kapag umano mabigo na makontrol ang problema sa illegal drugs ay siniguro kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang magbitiw sa puwesto.
“If I cannot control drugs, it is time for me to think about my resignation,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa 67th Anniversary of the First Scout Ranger Regiment sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.
Inulit din ni Pangulong Duterte na plano na niyang ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang operasyon ng anti-drug campaign.
Magugunita na pinagbawalan niya ang PNP at iba pang law enforcement agencies na magsagawa ng anti-drug campaign bagkus ay inatasan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tanging ahensiya na mamumuno sa anti-drug war.
Umani ng pagbatikos hindi lamang mula sa kritiko ng Duterte government ang drug war nito bagkus ay maging mula sa United Nations at European Union dahil sa sinasabing extra judicial killings dahil sa drug war.
Kamakalawa ay sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi umano kuntento ang Pangulong Duterte sa naging performance ng PDEA kaya planong ibalik ang drug war sa PNP.
- Latest