Glass firm nanawagan sa publiko
MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng Translucent Tempered Glass Corporation sa publiko na mag-ingat sa pakikipag-transaksyon sa mga dating empleyado na sina Sales Manager Sherwin-Jon Garcia Lacsina at Field Salesman Jino Carlo G. De Los Santos.
Ayon kay TTGC president at General Manager Anson Juanitas, hindi na nila aprubado ang dalawa matapos ireklamo ng ilang kliyente hinggil sa kabiguang mai-deliver ang mga na-order na equipment sa kumpanya.
Ayon kay Juanitas, umabot sa P2.9 milyon ang kabuuang halaga ng mga kagamitan na hindi nabayaran ni Lacsina na tumayong middleman sa ilang transaction ng kumpanya. Umaasa si Juanitas na mas marami pang kliyente ang magrereklamo sa kanilang opisina.
- Latest