^

Police Metro

Trak nahulog sa tulay: 5 patay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang limang katao habang anim ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog ang sugarcane truck hauler na sinasakyan ng mga ito sa isang tulay sa bayan ng Aleosan, Cotabato nitong Miyerkules.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Anwar Ampatuan, 35, driver ng hauler truck; Anliva Frido; George Dimalakit, 60 at dalawa pang obrero na kapwa inaalam pa ang pagkakakilanlan. Habang ang anim na nasugatan ay dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Sa report ni Sr. Inspector Edwin Abantes, hepe ng Aleosan, bago nangyari ang sakuna dakong alas-5:20 ng hapon sa bahagi ng tulay sa Brgy. New Leon ng bayang ito ay matulin umano ang takbo ng trak habang bumabagtas sa pakurbadang daan at sumalpok ito sa bakal na barandilya ng tulay bago ito tuluyang nahulog sa ibaba na may lalim na sampung metro.

Mabilis namang nagresponde ang rescue team ng lokal na pamahalaan at iniahon sa kinahulugang tulay ang mga biktima  pero lima sa mga ay nabigong maisalba ang buhay sanhi ng malulubhang sugat na tinamo sa katawan. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with