^

Police Metro

4 katao nagbigti

Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang babaing estud­yante sa kolehiyo ang nagbigti sa magkakahiwalay na insidente.

Sa Imus, Cavite natagpuang nakabigti ang kasambahay na si Fatima Maulana, 23, ng kanyang amo sa banyo kamakalawa ng alas-6:15 ng gabi gamit ang plastic straw.

Hindi naman matanggap ng driver na si Blas Utang Jr., 41, ng Area A, Gate 7 Parola Compound, Tondo, Maynila ang pag-iwan sa kanya ng kanyang live in partner at sa labis na depresyon ay nagbigti ito dakong alas-4:30 ng hapon sa kanyang bahay.

Una nang nag-suicide ang biktima sa paglaklak ng silver cleaner subalit naagapan ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ng Digos City, North Cotabato sa motibo nang pagbibigti sa puno ng 20-anyos na kolehiyala ng Cor Jesus College na itinago ang  pangalan, residente ng Barangay Aplaya, Digos City.

Isang preso na nakila­lang si Carlos Khen Cabillon Bongabpng, 31 ang natagpuan ng mga kakosa na nakabigti sa banyo ng Bunawan Police Station sa Davao City, dakong alas-6:20 ng gabi.

Ang biktima ay may kasong pambubugbog sa kababaihan.-   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with