Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Engineer patay sa ambush

Pinagmamasdan ng lalaking ito ang butas-butas na salamin ng sasakyan ng nasawing si Eng. Reynaldo Macapanas, 49, matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals sa kahabaan ng Delpan St., Binondo, Maynila. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang 49-anyos na mechanical engineer ang nasawi nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals habang sakay ng kanyang sasakyan sa naganap na ambush sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Reynaldo Macapanas, ng Block 50, Lot 5, Grand Oakridge Antel Village, Bacao, General Trias City, Cavite.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bago naganap ang pamamaril dakong alas-7:00 ng gabi sa likod ng Delpan Sports Complex, sa Delpan St., ay sakay ang biktima ng kanyang itim na Isuzu MUX na may conduction sticker na CR 5165 nang bigla itong tambangan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang masigurong na­dale ng mga suspek ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Naniniwala ang maybahay ng biktima na si Nenita Macapanas na posibleng may kinalaman sa mga business contract bidding deals ng asawa ang pagpatay dito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: