^

Police Metro

12 NPA rebels nadakip sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng tropa ng pamahalaan ang 12 katao na hinihinalang miyembro at sympathizers ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang checkpoint sa Brgy.Utod, Nasugbu, Batangas, kamakalawa.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Jocelyn Cabadin; Jenelyn Bayani; Leonardo delos Reyes; Carlos Sanosa; Orlan Cabadin; Josefino Castillano; Pheping Sacdalan; Roberto Hernandez; at Mark Anthony Banaga na kinasuhan na.

Ayon kay Captain Melchor Durante, Spokesman ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), nasakote ang mga rebelde dakong alas-10:00  ng umaga na hindi kalayuan sa encounter site ng tropang gobyerno at ng komunistang grupo sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ng ilang residente sa lugar ang nasabing mga indibidwal ay nakitang humahangos ng takbo pasakay sa pampasaherong jeepney matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA rebels sa Brgy. Utod ng bayang ito.

Ang nasabing grupo ng mga rebeldeng komunista na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan  ay nagtangkang manabotahe sa  katatapos na ASEAN Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Manila at ilan pang kaugnay na pagpupulong sa Southern Luzon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with