^

Police Metro

Dagdag buwis sa sugar-sweet beverages, kinontra

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalagan ng grupong Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ang panukalang dagdag-buwis sa mga inuming may asukal o sugar-sweetened beve­rages (SSBs) suportado nila ang panawagan ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO) na laban sa nasabing panukalang batas.

Ayon kay Louie Montemar, convenor ng BK3, nasa 300,000 na at dumarami pa ang lagda mula sa buong bansa ang nalikom ng PASCO upang tutulan ang nasabing excise tax sa mga SSB na nakapaloob sa House Bill 5636 na bahagi ng programang reporma sa buwis ng gobyerno o ang tinatawag na ‘TRAIN’.

Giit ng grupo, 40% ng pang-araw-araw na kita ng mga may-ari ng tindahan ay nagmumula sa mga benta ng SSB gaya ng powdered juice, instant coffee at softdrinks na maaari umanong mag-doble o mag-triple pa ang mga presyo ng nasabing produkto dahil sa dagdag-buwis.

Nabatid na naaprubahan na ng Kamara ang SSB tax na nagpapataw ng P10 hanggang P20 buwis kada litro ng SSB, depende sa pinagkukunan ng nilalamang asukal.

Una nang iminungkahi ni Senator JV Ejercito na pag-aralan muli ang pagbubuwis sa mga SSB at halip na magpataw ng karagdagang buwis ay dapat pigilin ng gobyerno ang pagpupuslit ng ipinagbabawal na mga produkto at  palakasin ang koleksiyon ng buwis at labanan ang katiwalian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with