^

Police Metro

B-day boy nalunod sa pool

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng ika-7 kaarawan ng isang batang lalaki  matapos na aksidenteng malunod sa swimming pool ng isang resort sa Poblacion, Itogon, Benguet kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na  kinilalang si Jian Cayapa, Grade 1 pupil, residente ng Binanga Norte, Tuding , Itogon ng lalawigan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon ay nagtungo ang pamilya Cayapa sa Mountain View Resort, Level 1300, Poblacion, Itogon upang doon idaos ang ikapitong taong kaarawan ng biktima.

Dahilan umano sa sob­rang abala sa dami ng bisitang dumalo ay nakalingat ang ina at nagtungo ang biktima sa pang-matandang swimming pool kasama ang kuya nitong isa ring paslit.

Nagulantang na lang ang pamilya ng biktima nang humahangos na tumakbo ang kuya para  sabihing nalunod sa swimming pool ang kapatid na napagawi sa malalim na bahagi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with