Santiago sinibak din dahil sa foreign trips at corruption
MANILA, Philippines — Sinibak si dating Dangerous Drugs Board (DDB) chief Dionisio Santiago hindi lang dahil sa pagkomento nito laban sa mega drug rehabilitation project ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi sa mga reklamo sa kanyang mga foreign trips at umano’y pagtanggap ng isang bahay mula sa napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
Ito ang ginawang pagbubunyag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque at maliwanag ang mensahe ng Pangulo na hindi niya kukunsintihin ang mga junkets at mga hindi kinakailangang biyahe sa ibang bansa.
Batay sa reklamo na tinanggap ng Malacañang, nagtungo umano si Santiago sa Vienna, Austria at maging sa Amerika kung saan dinala pa umano nito ang kanyang ‘mistress’ at mga paboritong empleyado sa DDB.
Base pa rin umano sa reklamo isang malaking mansion umano ang ibinigay ng pamilya Parojinog kay Santiago noong ito pa ang Director ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA.
“Now, take note that I’m only quoting from the complaint. Okay? So this is the complaint filed against General Santiago,” paglilinaw ni Roque.
- Latest