Helper patay sa sunog
MANILA, Philippines — Isang 66-anyos na helper na si Nelie Zapanta ang nasawi matapos ma-suffocate sa nasusunog na tinutuluyang bahay kahapon ng umaga sa Sta. Cecilia Subdivision, Barangay Gusa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), narekober ang bangkay ni Zapanta malapit na sa pintuan ng bahay.
Batay sa ulat, bagama’t nakalabas na sa tinutuluyang bahay na nagsisilbing bakery at opisina ay bumalik pa ito para kunin ang ilang kagamitan doon, subalit hindi na nito nakayanang makalabas.
Tinataya naman ng BFP na umabot sa P1.2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo sa nasabing sunog na umano’y electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.
Ayon kay SFO1 Dennis Dalis, bago naganap ang sunog ay tumawag pa ng electrician si Nathaniel, anak ni Bienvenido Macaraeg Jr. na may-ari ng bahay dahil sa kumikislap-kislap na bumbilya sa kanilang kwarto.
Nadamay din sa tatlong oras na sunog ang tatlong sasakyan ng may-ari ng bahay.
- Latest