PNP-crime rate bumaba
MANILA, Philippines — Bumaba umano ng walong porsiyento sa nakalipas na buwan ang insidente ng kriminalidad sa bansa, ayon sa Philippine National Police.
Ito ay dahil sa pinaigting na intelligence at police operations laban sa organized crime groups at street crime gangs.
Bukod sa 8.44% pagbaba sa Total Crime Volume (TCV) mula sa 493,912 insidente noong Enero hanggang Oktubre 2016 ay bumaba ito sa 452,204 incidents recorded noong Enero-Oktubre 2017, kapansin-pansin din na ang significant 20.56% reduction sa Index Crime (IC) cases noong kapareha ng nakalipas na sampung buwan base sa Crime Information Reporting at Analysis System (CIRAS) ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Sa nationwide Total Crime Volume na 452,204 binubuo ito ng 94,565 Index Crime cases at 357,639 Non-Index Crime (NIC) cases.
Kapuna-puna rin ang pagbaba ng crime volume sa ilang rehiyon maliban sa Southern Luzon (CALABARZON) at Northern Mindanao na bahagyang naitalang tumaas ang non-index crime.
Sa buong bansa, lahat ng rehiyon ay bumaba ang mga kasong murder, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping at cattle-rustling.
Sa kabuuan, ang kaso ng theft ang laganap at tumaas ng 32.44% ang naitala sa Index Crime incidents habang ang Phsical Injury na, 28,44% at Robbery at 14.75% ng lahat ng Index Crime cases.
May corresponding decreases naman sa mga kasong murder, at physical Injury cases sa nasabing panahon.
- Latest