Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Suspek sa rape-slay ng dalagang bank employee, arestado

Naaresto ng mga otoridad si Randy Oavenada, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang dalagang kawani ng bangko na si Mabel Cama. Non Alquitran

MANILA, Philippines —  Naaresto kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos na empleyada ng bangko sa Pasig City.

Una nang sinabi ng pulisya na isang saksi ang huling nakakitang buhay ang biktimang si Mabel Cama habang kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nitong Nobyembre 10 ng gabi. Ilang lalaki umano ang umaaligid noon sa biktima.

Nitong Nobyembre 12, natagpuan ang halos hubad na bangkay ni Cama sa isang abandonadong office building, 40 metro ang layo mula sa kanyang bahay.

Ilang oras bago nito, may nagtangkang sumunog sa gusali, pero naapula ito ng mga residente. Wala namang residente na pumasok sa gusali kaya inabot pa ng tanghali bago nakita ang bangkay ni Cama.
 Kinilala ni Pasig police chief Senior Supt. Orlando Yebra ang suspek na si Randy Oavenada, empleyado at residente ng naturang office building.

Tumugma aniya ang mga fingerprint ni Oavenada sa mga sample sa cellphone na narekober malapit sa bangkay ng dalaga, gayundin sa mismong katawan nito at nagpositibo rin ito sa paggamit ng droga.

Si Oavenada ay isa sa limang ‘person of interest’ na isinailalim nila sa drug test, interogasyon at fingerprit sa katawan ng biktimang si Cama.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa ngayon ay hinihintay pa ng Pasig police ang resulta ng crime laboratory sa  iba pang natukoy nilang person of interest.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: