^

Police Metro

Lolo utas sa suntok ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pang-masa

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 61- anyos na lolo matapos na mapuruhan ng suntok ng lasing na kapitbahay nang magtangkang umawat ang matanda sa pakikipagtalo ng kanyang apo sa suspek kamakalawa ng hapon sa Trece Martirez City Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Redentor Ramos, 61 anyos, residente ng  Purok 10, Brgy. San Agustin Trece Martires City, Cavite.

Nakatakas naman ang suspek na si Marcus Pa­ngilinan, 41 anyos, ng Purok 10, Brgy. San Agustin, Trece Martires City matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:00 ng hapon nang magtungo sa bahay ng biktima ang suspek na lasing. Ang apo ng biktima ang pinuntahan ng suspek at pinagsalitaan niya ng mga masasamang salita at pinagmumura na nagbunsod ng pagtatalo. Dito na lumapit at umawat ang lolong biktima subalit agad siyang binigwasan at suntukin sa mukha ng dalawang beses ng suspek.

Agad na itinakbo sa ospital ang nakabulagtang matanda subalit namatay din makalipas ang may ilang oras na gamutan habang mabilis na tumakas ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with