^

Police Metro

Japanese natagpuang nakabigti sa hotel

Ludy Bermudo - Pang-masa
Japanese natagpuang nakabigti sa hotel

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng hapon ng Biyernes nang madiskubre ng hotel staff ang nakabigting biktima sa loob ng kanyang silid. File

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na Japanese national ang natagpuang nakabigti at patay na sa loob ng inookupahang silid sa Manor Hotel sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing dayuhan na si Chiba Soichi, nanuluyan sa Room 507 Manor Hotel na matatagpuan sa Jorge Bocobo St., Malate.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng hapon ng Biyernes nang madiskubre ng hotel staff ang nakabigting biktima sa loob ng kanyang silid. Napupuluputan ang leeg ng biktima ng green na nylon plastic cord na sinamahan pa ng kulay puti na good morning towel na pinaniniwalaang sinadya upang hindi masyadong masaktan at isinabit niya ito sa door knob ng comfort room. Nasa ibabang bahagi naman ang isang travelling bag na sinasabing ginawang tuntungan sa pagbibigti.

Sa imbestigasyon, uminom ang biktima ng tatlong malalaking bote (Grande at Mucho) ng beer at patunay ang mga basyo nito na nasa kanyang mesa. Maayos naman ang silid na indikasyong walang naganap na karahasan na kinasasangkutan ng ibang tao bukod sa sarili.

Sa rekord ng hotel, ang biktima ay nagcheck-in sa pagdating nito sa bansa noong Nobyembre 2, 2017 at nakatakda sanang umalis ng bansa nitong nakalipas na Nob. 4 subalit pinalawig pa umano ang pamamalagi sa bansa ng 13 pang araw.

Ayon sa housekeeper na si Chona Concepcion, 69-anyos na ipinalinis pa ng dayuhan ang kanyang unit at iniwan na rin ang susi nito sa front desk. Nang araw ding iyon, kinatok ang silid niya para sa check-out time subalit hindi na siya sumasagot kaya kumuha ng duplicate key at binuksan ni Concepcion  kasama ang house detective at doon nadiskubre ang nakabigting biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with