^

Police Metro

Tandem na ‘holdaper’ timbog sa Caloocan

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD)  ang riding-in-tandem criminals  na sangkot umano sa serye ng mga holdapan sa Northern Metro Manila area sa Caloocan City kahapon.

Kinilala ni NPD Director Chief Supt. Amando Clifton Empiso ang mga naarestong suspek na sina Angelito Valida, 43,  ng Josefina St., Caloocan City at Renato Lakandula “alyas Dodong”, 42, taga  #428 3rd Avenue ng naturang lungsod. Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander Senior Insp. Dave Anthony Capurcos, naispatan ng isa sa mga biktima na si Robert Mapula, 21, sales agent ng 15 P De Vera St. Sipac, Almacen, Navotas City  ang mga suspek  sa panulukan  ng 3rd Avenue at D. Aquino Sts. alas-7:00  ng umaga na nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

Agad na  ipinagbigay-alam ito ni  Mapula sa pulisya at mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU) at ng PCP-2 sa nasabing lugar hanggang sa namataan ang isa sa mga suspek na may nakausling baril sa kanyang baywang. Nang sitahin ng mga pulis, tumakbo ang mga suspek na naging dahilan upang habulin ng mga pulis at sa tulong ng mga residente sa nasabing lugar ay agad nasakote ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang cal. 45 pistola na may walong bala, apat na cellphone, limang walang laman na wallet at isang itim na Yamaha XRM na walang plaka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with