^

Police Metro

Pulis-Crame itinumba sa Pasay

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame nang barilin ng hindi kilalang gunman na naka-motorsiklo habang nakikipag-inuman sa dalawang kaibigan nito sa labas ng kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead-on-the-spot ang biktimang si SPO2 Patrick Palisoc, 50, ng #1845 Goquiolay St.,  ng naturang lungsod, nakatalaga sa Police Security Group (PSG).

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, dakong alas-11:55 ng umaga habang nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigang sina Ronaldo Urbano at Pepe Raganon nang biglang dumating ang gunman at walang salitang pinagbabaril ang una.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang pabalik sa nakaparada nitong motorsiklo ang suspek na hindi naman kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam pa rin nila ang motibo nang pagpaslang kay SPO2 Palisoc.

Inaalam na rin ng pulisya kung may CCTV sa lugar na posibleng nahagip ang gunman at ang ginawang pamamaril at pagpatay sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with