^

Police Metro

58 atleta, 2 coach nalason sa ‘fish fillet’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Regional Health Office ng Department of Health (DOH) at emergency response team ng Provincial Health Office matapos na maospital ang may 58 atletang estudyante at kanilang dalawang coach matapos na manakit ang kanilang tiyan, mahilo at magsuka dahil sa hinihinalang pagkalason sa kinaing fish fillet na inihanda sa 3rd Congressional District Sports Association Meet sa Lambunao, Iloilo.

 Sa ulat na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Region 6, ang mga estudyante ay nagsimulang isugod sa Dr. Ricardo Ladrido Memorial District Hospital nitong Huwebes ng gabi hanggang madaling araw nitong Biyernes.

 Ang mga estudyanteng atleta at kanilang mga coach sa nasabing sports competition na mula Janiuay, Iloilo ay dumanas ng matinding pananakit ng tiyan matapos na maghapunan noong Huwebes ng gabi. Gayunman, ilang minuto matapos silang kumain ay isa –isa nang dumaing ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka at pagtatae.

 Bunsod nito, mabilis na dinala sa pagamutan ang mga biktima kung saan nakumpirmang nalason sa pagkain ang mga biktima. Pinaniniwalaan namang ang fish fillet na isinilbi sa kanilang hapunan ang nakalason sa mga biktima dahil kakaiba na umano ang amoy at lasa nito pero dahil sa gutom ng mga estudyanteng manlalaro gayundin ang kanilang mga coach ay kinain pa rin ito.

 Kumuha ang mga health officers ng sample ng mga “frozen food” na ipinakain sa mga estudyante at kanilang mga coach upang mabatid kung ano ang nakalason sa mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with