^

Police Metro

100 Jihad-ISIS nakapasok sa ’Pinas

Joy Cantos - Pang-masa
100 Jihad-ISIS nakapasok sa �Pinas

Ayon sa isang opisyal ng anti-terrorism council na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang 100 dayuhang tero­rista ay bagong graduate sa kanilang pagsasanay sa Indonesia sa kasagsagan ng Marawi City siege. John Unson, File

MANILA, Philippines — May 100 umanong mga dayuhang jihadists na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nakapasok sa bansa kaugnay ng planong paghahasik ng terorismo at pagtatayo ng terror cell sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon sa isang opisyal ng anti-terrorism council na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang 100 dayuhang tero­rista ay bagong graduate sa kanilang pagsasanay sa Indonesia sa kasagsagan ng Marawi City siege.

Sinasabing nagtungo sila sa Pilipinas gamit ang southern backdoor entrance sa Mindanao kung saan ang iba sa mga ito ay nag-reinforce sa Marawi City.

“Our intelligence ope­ratives continuous to monitor the said report, it’s still a subject of verification,” pahayag ng opisyal .

Samantala, ang iba pa ay pinaniniwalaan namang nasa Central Mindanao sa pinagkukutaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ngayon ay target ng air strike operations habang ang iba pa ay nasa lalawigan ng Sulu sa kanilang mga kapanalig na mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnapping for ransom at pamumugot ng ulo ng mga hostages.

Kaugnay nito, tumanggi ang mga opisyal ng militar na kumpirmahin at itinanggi ang nasabing report sa pagsasabing patuloy ang kanilang intelligence monitoring upang mapigilan ang mga terorista na makapasok sa teritoryo ng bansa at maulit muli  sa iba pang mga urban centers ang kahalintulad na terorismo sa Marawi City siege.

Patuloy naman ang tri-border patrol operations ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia sa hangganan ng karagatan ng kanilang mga bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with