^

Police Metro

SUV salpok sa poste: 4 kabataan patay!

Joy Cantos - Pang-masa

4 pa malubha

MANILA, Philippines — Patay ang apat na kabataan habang apat pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang sinasakyang sport utility vehicle (SUV) at makailang-ulit na bumaligtad sa highway ng Brgy. Matalava East, Lingayen, Pangasinan nitong hatinggabi ng Biyernes.

Kinilala ang dalawa sa mga nasawing biktima na sina Michael Angelo Manaoat, driver ng behikulo at Kevin de Guzman habang ang dalawa pa ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan. Ang mga ito ay pawang idineklarang dead-on-arrival sa Linga­yen Provincial District Hospital.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang apat na nasugatang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan at pagkabali ng buto. Kabilang sa mga nasugatan ay sina Ariel Diaz, Darwin Balo-Balo at dalawang hindi pa nakuha ang pa­ngalan.

Sa report ng Panga­sinan Police, dakong alas-12 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar .

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima sa kanilang tahanan sa Dagupan City galing sa isang binyagan sa Bugallon lulan ng Honda Civic nang aksidenteng sumalpok ang nasabing behikulo sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakabangga, bumaligtad pa ng makailang ulit ang behikulo saka sumalpok sa barandilya sa tabi ng highway. Ayon sa mga testigo, masyado umanong mabilis ang takbo ng behikulo na humantong sa malagim na sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with