^

Police Metro

Koko pinuri ang nagsitanggap ng Seal of Good Local Governance

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binati ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Martes ang lahat ng pamahalaang lokal na tumanggap ng Seal of Good Local Governance para sa taong 2017 mula sa Department of the Interior and Local Government’s (DILG).

May 448 local government units o LGUs ang tumanggap ng nasabing award, malaking pag-angat mula sa 306 pinarangalan noong nakaraang taon.

“Ang pag-angat sa bilang ng pinarangalan ay magandang senyales habang naghahanda tayo patungo sa Federalismo. Sa malalakas at may kakayahang LGUs ay nangangahulugang maaga nating matatamo ang benepisyo ng Federalismo,” diin ni Pimentel.

Natamo ng 28 probinsiya, 61 lungsod, at 359 munisipalidad ang istandard para sa Seal of Good Local Governance na ang pinakamarami ay mula sa Rehiyon I na may 68 ang pinarangalan.

Para makatanggap ng Seal, dapat makuha ng LGU ang istandard sa apat na pangunahing larangan (pangangasiwang pinansiyal; kahandaan sa kalamidad; pangangalagang panlipunan; at kapayapaan at kaayusan).

Dapat ding nakatugon ang LGUs sa istandard ng isa sa tatlong mahalagang larangan (mabuting pakikitungo sa pagnenegosyo at pakikipagkumpetensiya; turismo, kultura at sining; at pangangalaga sa kapaligiran).

Bawat pinarangalan ay tumanggap ng marker na maaaring ilagay sa kapitolyong panlalawigan, bulwagang panglungsod at munisipyo at maaaring makakuha sa Performance Challenge Fund, isang pondong magagamit para suportahan ang mga lokal na proyekto sa pagpapaunlad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with