^

Police Metro

Rider tinakasan ang MMDA enforcer, utas sa bangga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagresulta ng kamatayan ang ginawang pagtakas ng isang motorcycle rider at pagkasugat ng dalawang babaeng angkas nito sa sumitang traffic enforcer ng MMDA nang sumalpok ang ulo nito sa semento kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasawi noon din ang biktimang si Jomar Rosas, 23, empleyado ng Mamboks (Andoks at Baliwag Litson), nakatira sa Meycauayan, Bulacan matapos na humampas ang ulo sa konkretong semento habang sugatan naman  ang dalawang angkas nito na sina Jovelyn Racelda, 20, ng Bocaue, Bulacan at  Maricel Valdez, 26, ng Brgy. San Agustin, Novaliches Quezon City.

Sa imbestigasyon bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng EDSA sa Brgy. Sto. Kristo, Quezon City ay sinita umano ng MMDA traffic enforcer ang matulin na takbo ng motorsiklo sa kahabaan ng North Ave. na minamaneho ni Rosas habang angkas sina Jovelyn at Maricel.

Sa halip na huminto ay pinaharurot pa umano ni Rosas ang minamanehong motor patungo sa direksiyon ng EDSA kaya’t hinabol siya ng MMDA enforcers na lulan din ng motorsiklo at pagsapit ng EDSA sa kanto ng Nueva Ecija St., Brgy. Sto. Kristo ay sumalpok ito sa isang Honda Civic (OCW – 603) na minamaneho naman ng nakilalang si Gerwin Dagdag, 40.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang tatlo at bumagsak na una ang ulo ni Rosas na kanyang agarang ikinamatay at ikinasugat ng dalawang angkas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with