^

Police Metro

Seaman nasunog nang buhay

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bagong baba na seaman ang nasunog nang buhay matapos na hindi makalabas sa lumiyab na multicab na bumangga sa isang tulay ng Malaang malapit sa hangganan ng Brgy. Saguing at Pob­lacion, Makilala, North Cotabato.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Evan Jim Palero, 23, residente ng Poblacion ng nabanggit na bayan. Habang nakaligtas ang dalawang kaanak na sakay din nang nasunog na multicab na kinilalang sina Dan Martin Palero at Daniel Fernandez.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:36 ng madaling araw ay galing ng Kidapawan City ang mga biktima at pauwi na sa Poblacion nang bumangga ang sinasakyang multicab (1230-091253) sa nasabing tulay at biglang nagliyab.

Mabilis na rumes­ponde ang mga otoridad at makalipas ang limang minuto ay naapula ang sunog at narekober ang sunog na bangkay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with