^

Police Metro

3 stude todas sa bus

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong college student matapos na masalpok ng isang pampasaherong bus ang motorsiklo na kanilang sinasakyan kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng highway ng Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Roniel Listerio, Josell Martin; kapwa 23-anyos at civil engineering graduating students  sa Central Luzon State University;at  Andrea Gamboa, 20, estudyante sa isang pribadong Computer Training Center.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sakuna dakong alas-11:00 ng gabi ay sakay ang tatlong biktima sa isang motorsiklo at binabaybay ang nasabing highway nang aksidenteng mabangga ng Victory bus na patungong Cagayan.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong biktima na una ang mga ulo sa pagbagsak. 

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay nagpaalam sa kanilang mga pamilya  dakong alas-6:00 ng gabi para dumalo sa isang birthday party sa isa nilang kaibigan sa kalapit na barangay.

Bago umuwi ay naki­pagposte pa ang mga ito ng mga larawan sa kanilang facebook na nakita pa ng kanilang pamilya.

Ang hindi pinangalanang bus driver ay nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with