Internet service mapapabilis na
MANILA, Philippines — Sa mga susunod na panahon ay makakaasa ang publiko na mapapabilis na ang internet service sa buong bansa.
Ito ay kasunod nang nilagdaang partnership ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kasama ng Facebook hinggil sa Strategic Engagement and Collaboration to Undertake a Reliable and Efficient Government Internet o SECURE Govnet.
Sinabi ni Presidential Communications Sec.Martin Andanar na gagawa ng ultra high speed information highway ang SECURE GovNet na syang magpapabilis, magpapababa ng bayarin at mas magiging accessible ang broadband internet sa buong bansa.
Ayon kay Sec. Andanar, magiging daan ang naturang proyekto sa implementasyon ng National Broadband Plan, free public wifi program at iba pang ICT projects ng DICT.
Binigyang-diin pa ni Andanar na sa ilalim ng E-government Master Plan, pag-iibayuhin din ng SECURE GovNet ang pagbibigay ng mas epesyenteng serbisyo ng gobyerno dahil interconnected na ang mga ahensya ng pamahalaan.
- Latest