Duterte nainsulto kay Trudeau
MANILA, Philippines — Tila nainsulto si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na nakakabahala ang mataas na bilang ng namamatay sa anti-drug war ng administrasyon.
Sa isang press conference ay sinabi ni Pangulong Duterte, hindi na niya kailangan ang magpaliwanag dahil siya ay iniluklok ng mga Filipino at sasagot lamang siya sa mga mamamayan.
Pinayuhan pa ng Pangulo ang mga kapwa lider ng bansa na huwag kumuha ng mga dokumento sa mga komunista at oposisyon dahil ito ay tiyak na binago na.
“I said I will not explain. It is a personal and official insult. That is why you hear me throwing down epithets, curses, nagmumura, b*ll sh*t and everything, because it angers me. When you are a foreigner, you do not know exactly what is happening in this country. You do not even investigate. You only show before the United Nations a record of how many persons died you claim to be extra-judicially… I said I do not. I said, “You can investigate, find out…” Look guys, what I am really asking and before… a lot, they were all there. I said, “Why don’t you investigate first and find out the truth?,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte sa Malacañang reporters.
Una nang ipinahayag ni Trudeau ang nasabing pagkabahala sa ginawa nitong press briefing sa International Media Center ng 31st ASEAN Summit.
Naunang sinabi ni Trudeau sa press conference nito sa International Media Center na ipinaabot niya kay Pangulong Duterte sa kanilang meeting ang ukol sa isyung extra judicial killings.
- Latest