^

Police Metro

Mayoryang Pinoy pabor sa pagdurog sa Maute

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na mayorya ng Pilipino ang nagpahayag ng suporta sa ginawa ng gobyernong Duterte na pagdurog sa Maute-ISIS group na lumusob sa Marawi City sa nakalipas na limang buwan.

Sa isinagawang survey ng SWS mula September 23-27 sa may 1,500 respondents ay 66 percent ang kuntento sa ginawang aksyon ng Duterte go­vernment at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang durugin ang Maute-ISIS group habang nasa 18% naman ang hindi pumabor at 16 percent ang undecided.

Dahil dito, ay mayroong net satisfaction ra­ting na good +48 ang na­ging aksyon ng gobyerno laban sa Maute group.

Ang naging tanong sa SWS survey ay: “Gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?”

Mayorya din ng mga Pilipino ang kuntento sa naging performance ni Pangulong Duterte at kanyang administrasyon sa paglaban sa terorismo particular sa Maute group.

Nakakuha ng very good net satisfaction ra­ting si Pangulong Duterte na +67 sa naging aksyon ng gobyerno laban sa te­rorismo.

Nakapagtala din ng very good net satisfaction rating ang gobyerno sa paglaban nito sa tero­rismo hanggang sa magapi ang Maute group.

Magugunita na noong Oktubre 23 ay idineklara ni Pangulong Duterte na liberated na ang Marawi City mula sa terorismo matapos ang 4 na buwang pakikipaglaban ng gobyerno sa Maute group.

Samantala, ikinatuwa naman ng Malacañang ang positibong resulta ng SWS survey kaugnay sa naging aksyon ng gobyerno laban sa Maute group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with