^

Police Metro

2 senglot nagduwelo, 1 patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang isa ang kritikal ang kalagayan matapos mauwi sa duwelo ang masayang inuman ng dalawang lalaki sa Barangay Baesa, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Raul Opon, 45, may-asawa, isang cons­truction worker at nakatira sa No. 24 F. Carlos St., Brgy. Baesa, ng naturang lungsod bunsod ng tinamong limang tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Malubha namang ginagamot ngayon sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang suspek na si Ryan Urbano, 34, binata, driver tubong San Miguel Bulacan at residente rin ng Brgy. Baesa, Quezon City.

Sa ulat nina PO3 Jefrey Caboboy at PO3 Kenneth Estrada, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang duwelo ng dalawa sa tapat ng bahay ng biktima.

Nang malasing na ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahilan para sila’y magbuno at kapwa magsaksakan gamit ang kanilang mga patalim.

Sinabi ni Jessica Opon, misis ng biktima, tinangka niyang pahupain ang dalawa sa pagtatalo ngunit huli na dahil kapwa hindi na napigil ang dalawa hanggang sa magsaksakan na ang mga ito. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City police para mabatid ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with