^

Police Metro

Lady bank teller nagbigti

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa ginawang pagpapatiwakal ng isang dalagang teller ng bangko matapos itong mag-suicide sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili kamakalawa sa Makati City.

Wala nang buhay nang idating sa St. Claire Hospital sa naturang barangay ang nakilalang biktima na si Junah Mae Navarro, 28,  teller sa isang hindi binanggit na bangko, nakatira sa  Unit 101-B, #3307 Liwag Building, Matanzas St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-6:55 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang kinakasamang si Jay-Ar Ramirez, 27, binata, isang  computer programmer mismo sa kanilang kuwarto sa kanilang tinitirhan sa naturang lugar.

Ayon sa pahayag ni Ramirez sa pulisya, paggising niya ay tumambad sa kanya ang biktima na nakatali ang leeg ng fabric belt  at nakabigti sa tubong bakal ng kurtina at nakatali sa railing ng kanilang bintana.

Kaagad aniya niyang pinutol ang fabric belt na nakatali sa leeg nito at mabilis niyang dinala sa naturang ospital  ang dalaga, subalit, diniklara ito ng mga manggagamot na DOA.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa motibo ng umano’y pagkakakamatay  ni Navarro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with