^

Police Metro

Parak utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang pulis habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraang tambangan ng mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Brgy. Buyo, San Fernando, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Matthew Baybayon, miyembro ng 5th Regional Public Safety Battalion, Bravo Company ng 3rd Maneuver Platoon na nakabase sa Brgy. Canares, Batuan, Masbate.

Ang sugatang kasama naman nito ay kinilalang si  PO1 Edgarde Demingoy, kasapi rin ng nasabing himpilan ng pulisya. Sa report ng Police Regional Office (PRO) V, naganap  ang ambush sa nasabing lugar dakong alas-9:00 ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, Spokesperson ng PRO V, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Buyo, San Fernando kaya mabilis na nagresponde ang mga elemento ng nasabing himpilan.

Gayunman, matapos na magsagawa ng imbestigasyon sa lugar ay tinambangan ang mga elemento ng pulisya habang pabalik na sa kanilang patrol base ng mga rebeldeng NPA na nakaposisyon sa tabi ng highway na nagkukubli sa masukal na bahagi sa nasabing lugar.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga rebeldeng NPA na nasa likod ng pananambang sa mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with