^

Police Metro

PRRC ikinasa ang pagbalangkas ng 2018 projects

Pang-masa

MANILA, Philippines — Labis ang kaligayahan ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia matapos ang matagumpay na tatlong araw na Technical Working Committee Year-End Assessment and Multi-Year Planning Workshop sa Baguio City kamakailan.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Goitia ang mahigit 150 kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya, local government units, non-government organizations at mga pribadong kom­panya na nakibahagi sa programa na maggagarantiya sa tunay na rehabilitas­yon ng Ilog Pasig at lahat ng tributaryo nito.

“Bahagi ng regular na aktibidad ng PRRC ang pagsasagawa ng taunang Technical Working Committee Year-End Assessment and Multi-Year Planning Workshop. Layunin nitong matukoy, maiayon at maitugma ang mga plano, programa, proyekto at aktibidad ng Komisyon sa mga miyembro at iba pang katuwang na ahensiya upang maiparating ng PRRC ang walang humpay na pagkilos tungo sa ganap na rehabilitasyon at pagpapaunlad ng Pasig River System,” paliwanag ni Goitia.

Binanggit din ni Goitia, Presidente rin ng PDP-Laban San Juan City Council, na nais ng ahensiyang ipagpatuloy ang limang Technical Working Committees ng PRRC sa ginanap na tatlong araw na workshop/seminar noong Nobyembre 8-10.

Sinabi rin ni Goitia na bahagi ng naaprabahang 2018 budget ng PRRC ang pagtukoy at pagbuo pa ng mga susunod na programa mula 2019 hanggang 2022 bilang pagtugon sa atas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with