Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Seguridad sa ASEAN Summit tiniyak ng NCRPO

Si NCRPO Chief Oscar Albayalde sa kanyang ginawang paglilibot kahapon sa mga daraanan ng convoy at mga lugar na pagdadarausan ng 31st ASEAN Summit. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sa kabila ng puspusang paghahanda sa nalalapit na 31st ASEAN Summit sa bansa, muling tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde ang seguridad sa lahat ng lugar na daraanan ng mga convoy makaraan itong maglibot at mag-inspeksyon kahapon.

Unang pinuntahan ni Albayalde ang area ng Conrad Hotel at Baclaran sa lungsod ng Pasay kasunod ang Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila kung saan nakakalat ang mga miyembro ng CDM Contingents at sinunod na pinuntahan nito ay ang Roxas Blvd, Divisoria at Quiapo area.

Sa pag-iikot ni Albayalde ay kasama ang bawat district director at mga station commander upang paalalahanan ang mga on-duty na mga pulis na tiyakin na mapangalagaan, maipatupad ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang hurisdiksiyon.

Ipinag-utos din ni Albayalde na pairalin ang “maximum tolerance” sa mga ikakasang  rally ng ilang mga militanteng grupo upang tutulan ang  pagdalo ni US President Donald Trump.

Aniya nasa 33,000 unipormadong pulis ang ipinakalat sa iba’t-ibang lugar na pagdarausan ng ika-31st ASEAN Summit kung saan ang Pilipinas ang siyang host ngayong taon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: