Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Espenido, 5 pang pulis pinasisibak

Hindi sumipot sa hearing…

MANILA, Philippines — Iniutos ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr., kay PNP Chief Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa na sibakin sa kani-kanilang puwesto ang anim na pulis, kabilang si PC/ Insp. Jovie Espenido, matapos na hindi dumalo ang mga ito kahapon ng umaga sa ginanap na pre-trial sa kasong illegal drugs na isinampa laban sa umano’y drug lord na si Roland “Kerwin” Espinosa.

“I am ordering Chief PNP Bato to start the summary dismissal of these police officers for failure to attend today’s pre-trial hearing despite having properly notified them. They have 72 hours to explain why they should not be cited for contempt and why we should not file obstruction of justice charges,” ayon sa kautusan ng Hukom.

Bukod kay Espenido, nabigo rin na dumalo sa pagdinig sina  PC Insp. Elo Diao Laraga, PO3 Neil Radin, PO1 Winefredo Guiron,  Jessie Parto, at Mark Alvin.

Gayundin sina Pro­secutors Marcelo Adorco at Jose Antepuesto na kapwa pinadalhan ng subpoena pero hindi nakadalo sa pagdinig.

Sa kabila na nakadalo si Espinosa, nabigo naman makadalo sa pagdinig ang dalawa niyang abogado na nakabase sa Leyte kaya binigyan ng 72 oras sina Attys. John Ungab at Leilani Trinidad Villarino para magpaliwanag kung bakit hindi sila nakadalo sa pagdinig.

Nakatakda sanang markahan ang mga ipri­nisintang ebidensiya at ibibigay ang pangalan ng mga testigo na ihaharap sa korte ng prosecution at depensa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Muling itinakda ni Pampilo sa Disyembre 8, ang susunod na pagdinig.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: