Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Digong kay Callamard: ‘Sampalin kita!’

MANILA, Philippines — “Kung imbestigahan mo ako, sampalin kita!”

Ito ang mariing iniha­yag at babala ni Pa­ngulong Rod­rigo Duterte kay UN special rapporteur Agnes Callamard na sasampalin niya ito umano sa sanda­ling imbestigahan siya nito ukol sa extrajudicial killings, summary o arbitrary executions sa bansa kaugnay ng inilunsad na drug war ng gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa Filipino community sa Da Nang, Vietnam na hindi siya makakakuha ng patas na imbestigasyon mula kay Callamard.

“Ang problema ng human rights, including the United Nations, at saka itong…, hindi ko ma-memorize kasi because I hate her. ‘Yung rapporteur, si… ayaw ko nga i-pronounce ang pangalan niya. Basta ako, ‘Card,’” wika pa ni Duterte sa Filipino community.

“Nagdala siya ng itim, black duktor daw siya na... nagsabi daw siya on TV. You know, sabi niya, use of drugs is harmless. Sabi ko p***** i**** ‘to. Kaya sabi ko kay Callamard, kung imbestigahin mo ako, sampalin kita,” dagdag pa ng Pangulo.

Aniya, ang pananaw ni Callamard ay taliwas sa UN report na may titulong “International Narcotics Control Board Precursors and Chemicals Frequently Used in the Illicit Manufacture of Narcotic Drugs and Tropic Substances 2014.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, mismong ang UN report ay nagbibigay ng babala na ang shabu kapag ginamit ay “sometimes triggers aggressive, violent and bizaare behavior among users.”

Ani pa ng Pangulo, kapag sinampahan siya ng kaso ng UN ay isasampal niya mismo sa mga ito ang kanilang sariling report.

“Sige, tingnan natin, isampal ko ito sa kanila. Eh mismong study ninyo ayaw ninyong paniwalain tapos ako kulungin ninyo because of extrajudicial killing,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: