Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lover na kumatay sa lady trader, nag-suicide

Inusig ng konsensya…

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang inusig ng kanyang  konsensya kaya minabuti na lang na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang kilalang mall sa Cainta, Rizal kamakalawa, ang suspek sa pagpatay sa isang babaeng negosyante noong Miyerkules ng gabi sa Parañaque City.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical  Center si Edwin Casas, 35, nakatira sa  #12 Pangako St., Calumpang, Marikina City.

Lumalabas sa report ng Cainta, Rizal Police, naganap ang insidente alas-4:48 kamakalawa ng hapon sa fourth level ng Santa Lucia Grand Mall sa naturang lugar.

Nabatid na dumaan sa exit door si Casas at walang sabi-sabing tumalon ito hanggang sa lumagapak ito sa ground level.

Kaagad na isinugod ng ambulansiya si Casas sa nabanggit na ospital, subalit pagdating ng alas-5:30 ng hapon ay dineklara itong dead-on-arrival.

Nabatid, na si Casas ang itinuturong suspek sa pamamaslang sa pamamagitan ng paggilit sa leeg at pana­naksak sa negosyanteng si Menchie Modesto, 42, nakatira sa Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, Parañaque City nitong Miyerkules (Nobyembre 8) ng gabi.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: