Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Babae kisay sa kuryente

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang ginang makaraan itong aksidenteng mahawakan at makuryente sa live wire sa likurang bahagi ng kanilang bakuran sa Brgy. Mangusu, Zamboanga City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawing ginang na si Marlyn Ano­nat, nasa hustong gulang, residente ng Lower Sibulao, Brgy. Sibulao ng lungsod.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naniniba ng saging ang ginang sa likurang bahagi ng kanilang bakuran sa lugar ng mangyari ang trahedya.

Sinabi ng kapitbahay ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, abala ang ginang sa paniniba ng sa­ging nang aksidente nitong mahawakan ang kable ng kuryente sa kabilang bakuran. Bunsod nito, agad na nagkikisay ang ginang na binawian ng buhay noon din.

Inilagak na sa pune­rarya ang bangkay ng ginang kaugnay ng paghahatid dito sa kaniyang huling hantu­ngan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: