Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Trader na ginang kinatay ng lover

MANILA, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na babaeng negosyante matapos itong gilitan sa leeg at  pagsasaksakin ng isang lalaki na umano’y lover nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakalagak ngayon sa People’s Funeral ang bangkay ng biktimang si Menchie Modesto, nakatira sa Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes ng naturang siyudad, nagtamo ito ng malalim na sugat sa leeg at saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na patalim.

Tinutugis na ngayon ng pulisya ang suspek na nakilalang si Edwin Casa, 35, nakatira sa  #12 Pangako St., Kalumpang, Marikina City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa bahay ng biktima sa Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, Parañaque City.

Huling nakita ang biktima sa loob ng tinitirhan nito na kasama ang suspek at pagkaraan ng ilang oras ay natagpuan na ang bangkay nito na ginilitan ang leeg at tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Samantalang ang suspek ay hindi na makita na posibleng mabilis itong tumakas matapos ang krimen.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: