Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

4 todas, 8 sugatan sa killer trak

MANILA, Philippines — Hindi nakaligtas at namatay noon din ang apat na katao, kabilang ang isang pulis habang sugatan naman ang walo pa matapos araruhin ang dalawang tricyle na kinasasakyan ng mga biktima ng rumaragasang 10 wheeler  truck sa Tanauan City, Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt Rene Mercado hepe ng Tanauan PNP ang mga nasawing biktima na sina PO3 Marqueses Valentino, Marbel Itoralde, Nanette Aton at Raymond Llenado.

Sugatan naman sina Juveline Kaye Castillo, Lalaine Gabriel, Vicente Castillo, John Rowell Ma­caraeg, Erwin Latarya, Jarneil Gatpayat, Charles Joshua Castillo at Lester John Salazar.

Ayon sa ulat, binabagtas ng 10 wheeler truck (ACN 1309) na minamaneho ni Richard Lozano ang pababang kalsada sa Brgy. Natatas nang mawalan umano ng kontrol ang truck dahilan upang sagasaan nito ang dalawang tricycle na lulan ang mga biktima dakong alas-7:00 ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa CP Reyes Hospital at Mercado Hospital ang apat na biktima samantalang ginagamot naman ang 8 sugatan.

Patuloy ang imbestigasyon Tanauan police sa naturang insidente habang ang driver ng truck na si Lozano ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries and damage to property.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: