Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

3 parak nanipol, sinibak

MANILA, Philippines — Sinibak kahapon sa kanilang puwesto ang tatlong pulis sa Quezon City matapos ireklamo ng isang dalaga na umano’y binastos siya dahil sa ginawang pagsipol o pag-“cat call” sa kanya ng tatlo nang napadaan sa kanilang harapan, habang ang mga ito ay sakay ng mobile patrol car sa naturang lungsod noong Nobyembre 2.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar na kasong conduct of unbecoming of a police officer ang isinampa laban kina P02 Rick Lopez Taguilan, P01 Domingo Nagales Cena at kanilang supervisor na si SPO1 Ariel Camiling.

Ang dalawang pulis ay kinilala mismo ng biktimang itinago sa pangalang “Lorna”.

Ayon kay Eleazar, lumabag din sa City Ordinance 2501 ng Quezon City o anti-harassment ordinance, na nagbabawal sa pambabastos, paninipol o iba pang uri ng harassment sa mga kababaihan ang dalawang pulis.

Sinabi ni Eleazar, si Taguilan at Cena ay sakay ng QCPD mobile unit 235 mula Police Station 8, noong November 2 dakong alas-10:30 ng gabi kung kailan naganap ang “cat calling” sa dalaga.

Nakuhanan ng CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang patrol car ng mga pulis, na nagtutugma sa kwento ng biktima.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinabi nito na hindi rin lusot ang patrol supervisor na si SPO1 Camiling na mahaharap naman sa kasong dishonesty dahil pinagtakpan ang dalawang pulis.

Inihayag pa ni Eleazar na magsilbi itong babala sa mga pulis, maging sa iba pang kalalakihan, at tandaan na “magastos ang pambabastos” dahil sa multang babayaran at kahihiyan.

Payo naman ni “Lorna” sa mga kababaihan, huwag palagpasin ang anumang pambabastos, at mainam na magsumbong sa mga awtoridad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: