Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

34 sentimo dagdag-singil sa kuryente

MANILA, Philippines — Magtataas ng 34 sentimong singil sa kuryente bawat kilowatt hour ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Nobyembre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, dahil sa naturang panibagong dagdag-singil ay aabot na sa P9.63 kada kwh ang bayarin ng mga consumers sa kanilang electric bill.

Nangangahulugan ito na ang mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kWh ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72 habang ang mga kumukonsumo naman ng 300 kwh ay madaragdagan ng P102.08 na bayarin.

Ang mga tahanan namang nakakagamit ng 400 kwh kada buwan ay may P137.44 na dagdag na bayarin habang P171.79 ang madaragdaga sa bayarin ng mga kabahayang kumukonsumo ng 500 kwh.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang dagdag-singil sa presyo ng kuryente ay dahil umano sa P0.19 kada kwh na dagdag-singil sa generation charge, gayundin sa paghina ng piso kontra dolyar.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: