Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

23-anyos vendor pinabulagta

Ang pinabulagtang vendor ng hindi natukoy na gunman matapos itong pagbabarilin sa kanto na Delpan at Zaragosa Sts., sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi. Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Bumulagta noon din ang isang 23-anyos na vendor matapos na ratratin ng bala ng baril ng hindi nakikilalang gunman sa Tondo, Maynila.

Tigmak sa sarili nitong dugo ang bumulagtang biktima na nakilalang si Abdul Patak Cabugatan, ng 15th St. Port Area, Maynila dahil sa anim na tama ng bala ng baril sa katawan

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng hindi nakilalang salarin na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:00 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa panulukan ng Zaragosa at Delpan Streets, Tondo, Maynila.

Nakita umano ng ilang saksi na tumatakbo ang biktima sa lugar na hinahabol ng suspek.

Nang pagsapit sa nasabing lugar ay nakabuwelo umano ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: