Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

4 pa sugatan sa engkuwentro… 6 militar utas sa Abu

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang anim na mi­yembro ng militar habang apat naman ang sugatan makaraang makaengkuwentro ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ni AFP Wes­tern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., dakong alas -12:41 ng hapon nang magsagawa ng strike o­peration ang Army’s 18th Infantry Battalion (IB) laban sa grupo nina Abu Sayyaf Sub-leader Siar Alhamsirol at Parong Tedi sa liblib na bahagi ng nasabing lugar.

“As they edged towards the circumferential road, operating troops were met with heavy fire by lawless elements believed to be relatives and sympathizers of the Abu Sayyaf bandits,” pahayag naman ni Colonel Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force (JTF) Basilan.

Tumagal ng apat na oras ang palitan ng putok sa pagitan ng mag­kabilang grupo na ikinasawi ng anim na sundalo habang apat naman ang sugatan.

Hindi na muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga nalagas at sugatan sa hanay ng tropa dahilan kailangan pang ipaalam ang nangyari sa kanilang mga pamil­ya.

Samantalang nagsagawa naman ng close air support ang Philippine Air Force gamit ang kanilang mga combat helicopter laban sa mga kalaban.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantala, inihayag ng opisyal na nalagasan din ng malaking pu­wersa ang mga kalaban na pa­tuloy pa nilang inaalam ang kabuuang bilang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: