^

Police Metro

‘No work, no pay’ sa panahon ng ASEAN Summit

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iiral ang “no work, no pay” policy para sa mga manggagawa matapos ideklarang special non-working days sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga ang Novembre 13, 14, at 15 dahil sa pagdaraos ng 31st Association of Southeast Nation (ASEAN) Summit sa bansa.

Kaya nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng tamang pasahod para sa mga manggagawang papasok sa trabaho sa nasabing mga araw na kung saan ay pirmado ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang Labor Advisory number 14, Series of 2017. 

Kung ang empleyado ay nagtrabaho tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang daily rate. 

Kapag nag-overtime, tatanggap siya ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw. 

Kapag natyempong day-off ng manggagawa, pero siya ay pumasok pa rin sa trabaho, tatanggap siya ng karagdang 50 percent ng kanyang sahod at kung nag-overtime naman ay karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with