^

Police Metro

4 katao utas sa salpok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao na galing sa inuman ang nasawi matapos na sumalpok sa puno ang kanilang kotse kahapon ng mada­ling araw sa Roxas City, Capiz.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Johnbert Chingo, 29; Patrick James Llave, 20; Jomer Baes, 20; at Bryan Macalintal, 21.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Gurparkash Singh, driver ng kotse at isa pang pasaherong si Joy Gico, 22.

Batay sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Brgy. Baybay malapit sa hilera ng mga restaurant, bar at beach resort sa lungsod.

Nabatid na minamaneho ni Singh ang kulay itim na Mitsubishi Mirage (ABS-3623) patungo sa hilagang direksyon nang rumampa ito sa gutter at sumalpok sa puno ng niyog na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with