^

Police Metro

Shootout: 3 pulis-kidnaper, 1 pa todas

Pang-masa
Shootout: 3 pulis-kidnaper, 1 pa todas

Sa ulat, bandang alas-4:10 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng PNP-AKG operatives  na naka­base sa Camp Crame sa pamumuno ni Supt. Arthur Masongsong  at mga kidnaper sa kahabaan ng San Lazaro Road, Sitio Ulong Tubig, Brgy. Mabuhay ng bayang ito. File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang apat na miyembro ng kidnap for ransom (KFR) gang na kinabibilangan ng tatlong pulis sa isang shootout kahapon ng madaling araw sa Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite.

Ang mga napatay na suspek ay kinilala ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao na sina PO3 Rodel Estonactoc, 41; lider ng KFR gang; PO1 Ramil Espejo, 38; PO1 Rolando Albios at Erwin Escobido alyas Taba, isang sibilyang asset.

Nabatid na ang mga suspek ay sangkot sa pagdukot noong Oktubre 21 ng taong ito sa isang Carlos Tan, isang casi­no operator sa Resorts World Manila sa nangyaring insidente sa NAIA Expressway habang patungo sa Entertainment city sa Pasay City.

Ayon pa kay Dumlao na si PO3 Estonactoc, residente ng #94 Broadway St., Brgy. Kristong Hari, Quezon City ay aktibong kasapi ng Quezon City Police District (QCPD) habang ang da­lawang PO1 na mga kasamahan ay pawang nasibak na sa serbisyo.

Sa ulat, bandang alas-4:10 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng PNP-AKG operatives  na naka­base sa Camp Crame sa pamumuno ni Supt. Arthur Masongsong  at mga kidnaper sa kahabaan ng San Lazaro Road, Sitio Ulong Tubig, Brgy. Mabuhay ng bayang ito.

Bago ito ay una nang humingi ng P50M ang mga kidnapers kapalit ng paglaya ni Tan hanggang magkatawaran at naibaba ito sa P10M, subalit P5M lamang ang naibigay ng biktima kaya pinaslang ito noong Sabado ng gabi ( Oktubre 21).

Habang ang driver ni Tan ay pinawalan naman ng mga kidnapers, sa bahagi ng Tagaytay City noong Oktubre 22 ng madaling araw.

Nang mabatid ang insidente ay agad namang nakipag-ugnayan ang pamilya ni Tan sa PNP-AKG na agad nagsagawa ng follow-up operations.

Narekober ng mga operatiba ang bangkay ni Tan sa ibaba ng bundok sa Tagaytay City na kinakain na ng bayawak sa lugar kung saan ito pinagbabaril.

Natukoy ang mga suspek batay sa CCTV footage na nakuha ng pulisya sa Resorts World malapit sa Ninoy Aquino International Airport City na tumahak ang behikulong sinasakyan ng biktima na tinangay ng mga suspek patungo sa direksyon ng Cavite.

Nabatid na dakong alas-4:36 ng madaling araw nang maharang nang mga otoridad ang kulay abong Mitsubishi Adventure (ABQ 6456 ) na sinasak­yan ng mga suspek at sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga ito ng baril na nauwi sa shootout at napatay ang mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang cal. 45 pistol na may pitong bala, tatlong Glock cal 9 MM na may apat na magazine at 66 bala at ang behikulong sinasakyan ng mga kidnaper na nakarehistro kay Jeanne Estonatoc, misis ng lider ng grupo, anim na basyo ng M16 rifle, apat na piraso ng cal. 45 at isang bala ng cal 9 MM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with